christopher-copy-copy

TINANONG si Christopher de Leon sa presscon ng The Escort tungkol sa ginagawang pagsugpo ng Duterte administration sa droga, at hindi naman kaila na lahat na may mga taga-showbiz na sangkot at ang ilan sa kanila ay may kaso nang dinidinig sa korte tulad nina Mark Anthony Fernandez, Krista Miller, Sabrina M at DJ Karen Bordador.

Pabor si Boyet na sugpuin na ang droga at suportado niya ang panawagang ng administrasyon na tigilan na ang paggamit nito dahil wala itong mabuting idudulot sa tao.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Pero ang hiling ng aktor ay huwag masyadong pag-initan ang mga taga-showbiz dahil taxpayer sila at hindi galing sa buwis ang kinikita nila, hindi tulad ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Hindi itinanggi ni Christopher na minsan siyang naging user siya at dumating sa punto na ayaw na siyang kunin ng producers dahil nga sa bisyo niya.

Dahil sa kawalan ng trabaho o project, nasubukan niyang magbenta ng mga gamit niya para may maipangtustos sa bisyo niya.

Ang maganda, nu’ng panahon na gusto nang magbago ng aktor ay nanuluyan siya sa isang kumbento sa Baguio para sa self-rehabilitation, dahil nga ayaw niyang magpa-rehab. Nakabuti sa kanya ang naturang desisyon, dahil naiwaksi niya ang kanyang bisyo.

Tungkol sa pagbebenta ng katawan ang tema ng The Escort kaya nausisa rin siya tungkol dito, pero hindi naman daw dumating sa puntong ibinenta na niya ang katawan niya para lang makabili ng pangbisyo.

Samantala, hindi nag-isip ng malisya si Boyet sa love scene nila ni Lovi Poe na malaki ang agwat ng edad sa kanya bukod pa sa anak ito ng yumaong Fernando Poe, Jr. na kaibigan din niya. Kaya trabaho lang ang lahat.

Pero hirit ni Boyet tungkol sa istorya ng movie nila, “Sa totoong buhay naman, maraming mga mas bata ang pumapatol sa mga may edad na kagaya namin. So, it’s a reality.”

Mapapanood ang The Escort sa Nobyembre 2, handog ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Enzo Williams.

(REGGEE BONOAN)