Tatangkain ng Philippine women’s softball team o mas kilala bilang Blu Girls na maka-top three finish sa 11th Asian Women’s Softball Championship 2016 sa Disyembre. 6–14 sa Chaiyaphum, Thailand upang makasulong sa 18th Asian Games na gaganapin sa Jakarta, Indonesia 2018.
Ito ang sinabi ni Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL) operations head Ismael Veloso III, na hinirit na dapat din tumapos sa top six ng national women’s squad sa Asiad na papalo sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2, 2018 upang makaabante naman sa 16th Women’s World Softball Championships 2018.
“We received an invitation for a tournament which stakes a slot in the Asian Games and the World Women’s. We have yet to know more of the details but we are now preparing the team for this prestigious tournament,” nasabi lamang ni Veloso.
Wala pang eksaktong petsa ang WWSC 2018 na gaganapin sa Chiba, Japan kung saan itatakda pa lamang ng International Softball Federation bago matapos ang nabanggit na taon.
“Kailangan sa Asian Games sa Indonesia ang top 6 sa Asia habang tatlo naman sa World at hindi na kasali ang Japan dhail sila ang host,” sabi ni Veloso.
Base sa nakaraang resulta sa Incheon Asian Games ay nanguna ang Japan, ikalawa ang Chinese Taipei, ikatlo ang China, ikatlo ikaapat ang Pilipinas at ikalima ang Korea. “We lost to Taiwan, 4-5,” sabi pa ni Veloso.
Nais ng organisasyon na mapalakas pa ang team sa pagdagdag pa ng tatlong Fil-Am players mula sa orihinal na limang pumalo na sa 2014 Incheon Asiad kung saan fourth placer ang bansa sa mga likuran ng gold-silver-bronze winners Japan, Taiwan at China sa anim na mga kalahok.
Ang mga Fil-Ams na pumalo sa Incheon ay sina Gabrielle Maurice, catcher Dani Gilmore, Chelsea Suitos, Sierra Lange at outfielder/infielder Garie Blando.
Pero sina Gilmore at Blando lang ang mga nakalaro nang lumagak sa 12th spot sa 13-team sa 16th World Cup of Softball nung July sa Oklahoma, United Stats ang Pinay clouters. (Angie Oredo)