elton-copy

SINUSULAT ni Elton John ang kanyang “crazy life” para sa autobiography na nakatakdang ilathala sa 2019.

Inihayag ng mga publisher na sina Pan Macmillan at Henry Holt na nakuha nila ang worldwide rights para sa talambuhay ng musikero na hindi pa nabibigyang pamagat.

Sinusulat ng 69-anyos na si John ang libro kasama ang music writer na si Alexis Petridis.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Sinabi ni John sa isang pahayag na “cathartic” para sa kanya ang proseso ng pagsusulat ng kanyang talambuhay.

“As I look back, I realize what a crazy life I have had the extreme privilege of living... My life has been one helluva roller coaster ride and it’s still lumbering on,” aniya.

Sa limang dekadang career, nanalo si John ng limang Grammys at isang Academy Award, at gumawa ng mga classic song na kinabibilangan ng Rocket Man, I’m Still Standing, at Tiny Dancer. (AP)