Tuloy ang rigodon sa kampo ng Star Hotshots.

Matapos bitiwan ang swet-shooting guard na si James Yap, kapalit ng matikas ding si Paul Lee sa Rain or Shine, tinapos na din ng Star ang kontrata ni coach Jason Webb.

Sa panayam ng Spin.ph kay Star board member Rene Pardo, kinumpirma nito ang pagtuldok sa career ni Webb at ipinalit ang batang coach na si Chito Victolero.

Ang naturang pagbabago ay resulta sa maalat na kampanya ng Star sa nakalipas na season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yes, Chito Victolero is our new coach. Ipinakilala ko na siya sa team during our practice,” pahayag ni Pardo.

“We have to face it, the past two seasons the team has not really performed to its potential. So we have to improve our roster and make it attractive again to our fans,” sambit ni Pardo.

Hindi na bago si Victolero sa pro league, dahil kabilang na rin siya sa coaching staff ng dating Purefoods at Mahindra team.

Wala namang pagbabago sa kabuun ng coaching staff dahil mananatili ang assistant coach na sina Johnny Abarrientos, Juno Sauler, Mon Jose, at Tony Boy Espinosa.

“He’s just an addition. Wala siyang sinama na coaching staff niya,” aniya.

“We also want to thank Jason for the effort of leading the team. Kasi nga naman bagito pa siya (sa coaching) tapos sinabak na namin agad.”

Kumpiyansa si Pardon na maibibigay ni Victolero ang kinakaialangang ayuda sa Star na inaasahang magkakaroon ng bagong bihis sa pagkasama ni Lee. (Marivic Awitan)