UNITED NATIONS, United States (AFP) – Tutungo si UN Secretary-General Ban Ki-moon sa Haiti ngayong Sabado para tingnan ang mga lugar na sinalanta ng Hurricane Matthew habang kakaunti ang naipong tulong ng UN sa hinihiling nitong pondo para sa Caribbean nation.

Bibisitahin ni Ban ang Les Cayes sa katimugan ng Haiti – isa sa mga lungsod na pinakamatinding tinamaan ng bagyo.

Kabuuang 473 katao ang namatay sa paglaslas ng Category 4 Hurricane Matthew sa Haiti noong Oktubre 4, dala ang lakas ng kangin na 230 kilometers per hour.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'