Mas paiigtingin ang labanan para sa 2016 UFCC Stagfighter of the Year sa pagpalo ng UFCC Stagwars 6th leg ngayon sa Las Piñas Coliseum tampok ang 100 na sultada na magsisimula ganap na 1:00 ng hapon.

Nasa unahan na may 18 puntos ang pinagmamalaki ng Davao City na si Dorie Du (Davao) katambal si Bicolano Teng Rañola, na tinumbasan ng Ahluck entry nila Ricky Magtuto & Willard Ty ksunod sina Cong. Peter Unabia & Femie Medina ( JM Fafafa) – 17.5 puntos.

Tabla sa ikatlong pwesto na may tig-17 puntos sina Joey delos Santos (San Roque) at ang naghaharing UFCC Cocker of the Year Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pantay naman sa ikaapat na puwesto sina Ramon Atayde (RRA) at Arman Santos (Jade Red) sa iskor na 16.5.

Nasa ikalima naman ang mga may iskor na 16 puntos sina Rey Briones (Tata Rey) at Gerry Teves (Gerry Boy).

Ang 2016 UFCC Stagwars, itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino, ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang mga tinaguriang mga idolo ng sabong sa masang-sabungero.

Ang Las Piñas Coliseum sa Zapote, Las Piñas City na may bagong parking building ang magiging lugar ng labanan para sa lahat ng one-day 6-stag derbies sa buong buwan ng Oktubre.

Gagawin naman ang unang out-of-town na labanan ng UFCC sa San Pablo City, partikular sa Lucky Sports Complex sa Oktubre 29.