FIRST time naming napanood na mag-perform ang sumisikat na Filipino Boy Band na Top One Project (TOP) sa presscon para sa kanilang first concert sa Music Museum na gaganapin sa October 28.

Sa totoo lang, napahanga kami ng grupong ito na binubuo nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba. Napakahusay nilang mag-perform na para bang mga beterano na sa larangan ng musika.

Hindi naman siguro kataka-taka dahil dumaan sila sa training at workshop ng GMA Artist Center at GMA Records na may exclusive contract ang five-piece boyband.

Ang banda, na nag-release ng kanilang self-titled album last April, ay nakapag-perform na rin sa The Philippine Arena na may mahigit 40,000 audience last June 12, kaya nagawa nilang mai-promote ang kanilang debut album.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Masuwerte ang taong ito sa kanilang grupo dahil nominado sila bilang Duo/Group at Dance Album of the Year sa PMPC Star Awards for Music na gaganapin naman sa October 23 sa Novotel.

Ang GMA Network ang unang gumawa ng multi-platform boy band competition sa Pilipinas na sinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan at dito nga nabuo ang TOP, ang newest boyband sensation.

Ang tickets para sa TOP in Concert ay available na sa Ticketworld. Makakasama nila sa concert sina Kim Domingo at Aicelle Santos.