PINARANGALAN ng Lifetime Achievement Award ang American actor at director na si Tom Hanks sa Rome Film Festival na nagbukas nitong Huwebes.

Naganap ang mahabang pag-uusap na pinangunahan ni Antonio Monda, artistic director ng festival, kasama ang Oscar-winning star ng Philadelphia at Forrest Gump na may video clips mula sa kanyang 15 pelikula.

Pagkatapos nito, ginawaran ng parangal si Hanks ng Italian film star at naging beauty icon na si Claudia Cardinale.

Mayroong 44 movie at documentary ang kumpletong line-up ng 11th edition ng taunang Rome Film Festival, na isinasagawa sa musical park Auditorium simula Oktubre 13 hanggang 23.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kabilang sa 2016 list of movies ang Chinese 3D martial arts blockbuster na Sword Master ng Hongkong director na si Derek Yee at ang Snowden ng Oscar-winner director na si Oliver Stone.

Ang iba pang mga pangunahing screening ng festival ay bubuuhin ng mga documentary na Into The Inferno ng German auteur na si Werner Herzog, Hell or High Water ng Scottish director na si David Mackenzie, at 7 Minutes ni Italian Michele Placido.

Magtatapos ang screening sa Lion ni Garth Davis. (PNA)