reese-copy-copy

KILALA sa pagrerekomenda ng mga libro sa kanyang Instagram account, handa nang magsulat si Reese Witherspoon ng kanyang sariling libro.

Nagkaroon ng deal ang Oscar-winning actress sa Touchstone para sumulat ng isang lifestyle book na batay sa buhay na kinalakihan niya sa Tennessee. Wala pang pamagat sa kasalukuyan ang libro na inaasahang ilalabas sa 2018, saad ng publisher sa The Associated Press noong Huwebes.

Sa pahayag na inilabas ng Touchstone, sinabi ni Witherspoon na ang libro ay “unique opportunity” para ibahagi ang nakakaaliw na mga kuwento at magbigay ng kanyang ideya sa “Southern living.”

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Ayon sa publisher, itatampok ng libro ang mga larawan at personal essay at ipapakita sa kababaihan kung paano manirahan sa “signature style, grace, and charm” ng South.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Witherspoon ay ang Legally Blonde at Walk the Line. (AP)