Piolo-Pascual_JIMI-copy1

HINDI papayag si Piolo Pascual na maunahan pa siyang magkaroon ng asawa ng anak na si Iñigo. Ito ang nakakatuwang pahayag ni Papa P nang humarap sa presscon para sa press launch ng kanyang annual Sunpiology Run at ng Go Well health and wellness program ng Sun Life Financial.

Nauwi sa napakagandang payo para sa bright future ng kanyang unico hijo ang sagot ni Piolo nang tanungin siya kung gusto rin ba niyang health buff ang magiging girlfriend niya.

“Ideally, yeah. I remember before kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity, so we do things together,” sagot ni Papa P.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ang sunod na tanong sa kanya, kailan niya hahanapin ang kanyang girlfriend?

“I’ve come to the point na I don’t look for it anymore,” tugon niya. “As much as I don’t have time for it, I just enjoy life and I still have so many things I want to do. So if it comes, it comes and I hope it comes soon when it comes.”

Dugtong pa ng Kapamilya actor, “Happy naman ako. Baka maunahan pa ako ng anak ko (Iñigo). But grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko and besides, I enjoy life. Gusto kong mag-travel, gusto kong marami pang gawin and just like what I said, when it comes, it comes.”

Papayag ba siyang mas mauna pang magkaasawa ang kanyang 19 year-old son?

“Sana hindi. Sana ‘wag naman pero... He has a girlfriend already (na girlfriend ngayon si Kelley Day, na member ng Girl Trends ng It’s Showtime) and hindi natin mapipigilan ang bugso ng damdamin ng mga bata.”

Ang payo ni Piolo sa anak: “Hindi mo kailangang madaliin ang buhay. Just be practical and be wise with all your decisions, kasi ang isang pagkakamali puwedeng mag-lead sa panghabang-buhay na pagsisisihan mo, eh. So, just be wise and learn from other people’s mistakes and always strive to be better,” pagtatapos ng aktor.

Ang Sunpiology Run na walong taon nang isinasagawa ni Piolo ay gaganapin sa November 19 sa Camp Aguinaldo, Quezon City, by sunset, kasama ang aabot sa one hundred Star Magic celebrities at may after-run show na magsisilbing launch ng debut album ni Iñigo Pascual.

Ang pagtakbo ay para sa scholars ng Hebreo Foundation at sa advocacy ni Piolo laban sa diabetes.

“I want to invite everyone to register for ‘Sugar Wars’. It’s a race against diabetes, a chance to help raise funds for our beneficiaries, and a great way to spend time with your Star Magic family,” sabi ni Piolo, na siya ring nagtatag ng Hebreo Foundation, ang long-time beneficiary ng Sunpiology na tumutulong sa pag-aaral ng mga bata mula sa iba’t ibang komunidad. (ADOR SALUTA)