Muling ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Jose “Jinggoy” Estrada na humihiling na ibasura ang kinakaharap niyang kasong graft kaugnay ng pagkakasangkot umano niya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Nilinaw ng 5th Division ng anti-graft court na hiwalay ang nasabing kaso sa plunder na kinakaharap ng dating senador sa magkaparehong irregularidad.

Iginiit ng korte sa ruling nito na walang sapat na merito ang mosyon ni Estrada.

Sinabi ni Estrada sa kanyang apela na dapat nang ibasura ng hukuman ang 11 graft na isinampa sa kanya dahil naisama na umano sa plunder case na kinakaharap niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapiit si Estrada sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame matapos kasuhan ng plunder at graft sa Sandiganbayan noong Hunyo 2014, dahil sa pagtanggap umano ng P183.793 milyon halaga ng kickback kapalit ng alokasyon ng kanyang PDAF sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles noong 2004 hanggang 2012. (Rommel P. Tabbad)