OPISYAL nang inilunsad ng Department of Tourism (DoT) at Davao Metro Shuttle nitong Huwebes ang Go Mindanao Tour Bus Project, kasabay ng Regional Tourism Assembly, sa Waterfront Insular Hotel sa Davao City.

Binigyang-diin sa paglulunsad ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Tourism Infrastructure at Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Go Mindanao (Davao Metro Shuttle), na sinaksihan ni Tourism Secretary Wanda Teo.

“First phase of the Go Mindanao Tour Bus will start in March 2017,” saad ng Davao Metro Shuttle president na si De Carlo Uy.

Ibinunyag ng Davao Metro Shuttle na ang paunang destinasyon ng Go Mindanao Bus Tour ay Cagayan De Oro City, Mati (Davao Oriental), Siargao (Surigao del Norte), Bukidnon, Butuan, Pagadian, Davao, Camiguin, Surigao, Lake Sebu (South Cotabato), Dipolog (Zamboaga del Norte) at Cotabato.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inihayag ni Uy na magkakaroon ng pagpipilian ang mga turista na makabili ng dalawang uri ng ticket depende sa kanilang travel requirements. Magiging available ang point to point tickets pati na rin ang hop on at hop off ticket para maisaayos ang paglilibot batay sa pangangailangan ng mga turista.

Pinaplano na ng Davao Metro Shuttle ang pagbili sa halos 50 bus para sa programa na Go Mindanao Bus Tour, ngunit magsisimula lamang ito sa 20 bus. Ito ang mga mamahaling bus na maghahatid sa mga turista sa magagandang destinasyon sa rehiyon ng Davao.

Ang premium buses, na tinatayang nagkakahalaga ng limang milyon bawat isa, ay hindi lamang mas malaki kaysa mga ordinaryong bus, kundi magkakaroon rin ng leather na reclining na upuan, Global Positioning System, mas malaking mga telebisyon, WiFi at speed limiters.

“The goal is to boost local tourism and to help provide business and livelihood to the community,” aniya. (PNA)