Maaaring mangutang sa gobyerno ang mga umuwing overseas Filipino workers (OFW) at kanilang pamilya para makapagsimula ng kabuhayan.

Inihayag ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos lagdaan ang kasunduan sa pagpapatupad ng OFW-Enterprise Development and Loan Program (OFW-EDLP) sa pagitan ng Department of Labor and Employment–Overseas Workers Welfare Administration (DOLE-OWWA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Ang kwalipikadong indibidwal ay maaaring makautang ng P100,000 hanggang P2 milyon para makapagtayo ng sariling negosyo. Para sa grupo, maaari silang makahiram ng hanggang P5 milyon. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'