Ipinagmalaki ni Pangulong Duterte sa nagtipun-tipon na negosyante nitong Huwebes ng gabi na wala siyang bisyo at namumuhay ng isang “holy life”.

“I do not drink. I do not smoke. I do not womanize. I live a holy life,” aniya, idinagdag na, “I’ll drink to that.”

Nauna rito, bagamat aminadong hindi eksperto sa economics, tiniyak ng Pangulo sa business community na mahusay siya sa pagsugpo sa kriminalidad at kurapsiyon.

Iginiit din niyang muli ang determinasyon niyang isulong ang isang “clean government” at panatilihin ang kaayusan sa bansa, sinabing siya “[has] no baggage” at “no debts to repay.”

Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25

Nangako rin siyang poprotektahan ang mga negosyante sa lehitimo nilang pamumuhunan sa bansa at hinimok silang i-report sa kanya ang alinmang klase ng kurapsiyon at iba pang pag-abuso na mararanasan ng mga ito.

“In this government, there will be no corruption. In this government, it will be clean, as in clean and this government will promise you law and order,” ani Duterte.

Sa paglaban sa kurapsiyon, sinabi ng Pangulo na ipinag-utos na niya sa mga ahensiya ng gobyerno na tuldukan ang red tape at pabilisin ang pagpoproseso ng mga permit at iba pang dokumento upang hindi na kailangan pang pumila nang matagal ng publiko. (Genalyn D. Kabiling)