Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng dalawang malalaking kumpanya sa pangambang makasira sa kalikasan ang proyekto ng mga ito.
Inanunsyo ni Environment Secretary Gina Lopez na suspendido muna ang ECC ng Century Communities Corporation na nagbabalak magtayo ng high rise buildings sa La Mesa Watershed sa Quezon City at ng Austral-Asia Link Mining Corporation na nagmimina ng nickel sa Mati, Davao Oriental.
Giit ni Lopez, maaaring makontamina ang inuming tubig sa Metro Manila kapag natuloy ang proyekto ng Centrury.
Nasisira naman ng pagmimina ang kapaligiran sa Mt. Hamiguitan, isang UNESCO World Heritage Site, at Pujada Bay, isang marine protected area. (Jun Fabon)