Oktubre 15, 2007 nang mapili bilang bagong host ng “The Price is Right” ang actor-comedian na si Drew Carey.
Pinalitan niya si Bob Barker na nagsilbing host ng programa sa loob ng 35 taon.
Napili si Carey, miyembro ng United States Marine Corps Reserve bago naging isang stand-up comedian, matapos ang isang well-publicized hosting search. Bumida rin siya sa “The Drew Carey Show”.
Unang beses na nag-host si Barker, nagsimula ang career sa radyo, noong Setyembre 4, 1972. Binubuo ang show ng mga contestant na tumatawad sa retail price ng isang produkto. Mananalo ang contestant kapag malapit sa tunay na presyo ang kanyang tinawad.
Pinasok din ni Carey ang journalism sa pamamagitan ng pagho-host ng mga documentary na tumatalakay sa iba’t ibang isyu gaya ng pagsikip ng trapiko at immigration.