BANGKOK (AP) — Si King Bhumibol Adulyadej ay ang nag-iisang hindi nagbago sa pagbabagong-anyo ng Thailand mula sa pagiging isang tradisyunal na agrarian society patungo sa moderno, industriyalisadong nasyon, at sa pag-angat at pagbagsak ng hindi na mabilang na gobyerno.

Ang kanyang pagpanaw ay labis na ikinalungkot ng mamamayang Thai, na sinimulan ang panahon ng pinalawig na pagluluksa para sa natatanging hari na kanilang nakagisnan.

Siya ang world’s longest-reigning monarch, nanatili sa trono sa loob ng 70 taon. Itinuturing siya ng kanyang nasasakupan na gentle leader na ginamit ang impluwensiya ng trono para pagkaisahin ang bansa at tipunin ang puwersa ng mga tropa sa panahon ng Cold War habang bumagsak sa kamay ng komunista ang mga katabing bansa ng Thailand.

Pinatahimik niya ang mga kudeta at rebelyon sa simpleng galaw at iilang piling salita.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kahit na lumuluhod sa kanya ang mga lider ng junta, prime ministers at courtiers, nakakamangha ang pagiging mapagkumbaba ni Bhumibol. Dinarayo niya ang mga maralitang pamayanan at mga liblib na sakahan para malaman ang kalagayan ng bansa.