LAUSANNE, Switzerland (AP) — Limang Russian race walker ang sinuspinde ng apat na taon matapos magpositibo sa EPO.
Ipinahayag ng Court of Arbitration for Sport nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang desisyon na patawan ng suspension ang limang atleta, kabilang si 2013 world championship silver medalist Mikhail Ryzhov.
Nakita sa kanilang samples ang blood-boosting EPO habang nagsasanay sa Russia’s national training center sa Saransk noong 2015.
Kasama niyang nasuspinde sina dating European championship medalist Ivan Noskov, Elmira Alembekova, Vera Sokolova at Ivan Noskov.
Ang CAS ang nagbaba ng suspensiyon dahil kasalukuyan pa ring suspindido ang Russian track and field federation.
Sa report ng World Anti-Doping Agency, tinangka umanong lituhin ng nasabing atleta at coach ang isinasagawang drug-testing ng WADA personnel sa ginanap na kompetisyon.
Ang Saransk Center ay pinangangasiwaan ni coach Viktor Chegin, pinatawan ng lifetime ban nitong Marso. May kabuuang 25 atleta sa kanyang pangangalaga ang nagpositibo sa droga.