NAKAKATUWA ang reaksiyon ni Robin Padilla nang itanong ng mga katoto ang tungkol sa sitsit na muli silang magkakasama sa pelikula ng kanyang ex-girlfriend na si Sharon Cuneta.
“Wow!” nagulat na sabi ni Binoe. “Isang malaking karangalan dahil ang sexy ni Ma’am (Sharon), nakita ko ‘yung kanyang mga bagong litrato, wow!
“Magmula nu’ng huli kaming magkita sa PGT (Pilipinas Got Talent), ‘pinakita sa akin ni Mariel (Rodriguez), sabi niya, ‘Babe ang payat-payat ni Ma’am!’
“’Yun pala, ako ang pinaghahandaan ni Ma’am? My goodness! Okay, I’m ready! Ready ako d’yan, isang malaking karangalan na ako ang napili, naku! Na-excite ako bigla! Namawis ako,” sabay tingin sa mga kamay. “Ano kaya’ng title nito,
‘Maging Anuman Ako’?” natawang sabi ng aktor. (REGGEE BONOAN)