SA pagkakaalam ng maraming tao, walong basong tubig ang kailangang inumin kada araw, pero marami naman ang nahihirapang sundin ito. Pero ngayon, may bagong pag-aaral na nagbibigay-linaw kung ano ang pumipigil sa mga tao sa pag-inom ng maraming tubig kapag hindi naman nauuhaw makaraang matukoy ang isang swallowing mechanism.

Natuklasan ng mga mananaliksik na isang swallowing mechanism ang nagpapahirap sa labis na pag-inom ng tubig.

Dahil halos 60 porsiyento ng timbang ng katawan ay gawa sa tubig, hindi na kataka-taka kung bakit mahalaga ang tubig sa kalusugan ng tao, na tumutulong para magampanan ang tungkulin ng bawat bahagi ng katawan.

Ngunit gaano nga ba karami ang dapat nating inumin para maisagawa ito araw-araw?

National

ITCZ, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Bagamat maaaring narinig na ninyo ang kinakailangang pag-inom ng walong baso ng tubig kada araw –- kilala bilang “8x8 rule” -- wala pa ring siyentipikong ebidensiya na eksaktong makakatutukoy kung gaano karaming tubig nga ba ang sasapat sa pangangailangan ng katawan.

Ayon sa bagong pag-aaral, inirerekomenda ng Institute of Medicine (IOM) na dapat hangarin ng kababaihan na uminom ng 2.2 litro ng tubig araw-araw (aabot sa siyam na baso), at dapat namang hangarin ng kalalakihan na makainom ng tatlong litro ng tubig araw-araw (halos 13 na baso)

Gayunman, taliwas ito sa mga rekomendasyon at sa tinatawag na 8x8 rule, kaya iminumungkahi ng bagong pag-aaral na dapat lang tayong uminom ng tubig kapag nauuhaw, nang madiskubre ang mekanismo na nagpapahirap sa pag-inom ng tubig.

Inilabas ang resulta ng awtor na si Michael Farrel, ng Biomedicine Discovery Institute sa Monash University sa Australia, at mga katrabaho niya sa Proceedings of the National Academy of Scienes.

Para sa kanilang pag-aaral, nagpasok ang grupo ng mga kalahok at inutusang uminom ng maraming tubig pagkatapos ng pag-eehersisyo, nang sila ay mauhaw, at sa mga susunod na oras, kapag hindi na sila nauuhaw.

Sa bawat kondisyon, tinanong ng mga researcher ang mga kalahok na i-rate kung gaano kahirap lumunok ng tubig.

Kumpara sa nainom na tubig pagkatapos mag-ehersisyo, nabatid ng mga kalahok na tatlong beses na mas mahirap uminom ng tubig sa mga kasunod kapag hindi na sila nauuhaw.

“Here, for the first time, we found effort-full swallowing after drinking excess water which meant they were having to overcome some sort of resistance,” ani Farrell. “This was compatible with our notion that the swallowing reflex becomes inhibited once enough water has been drunk.”

Gumamit ng functional magnetic resonance imaging (fMRI) ang researchers sa bawat kalahok, upang masukat ang brain activity bago sila uminom ng tubig sa bawat experimental condition.

Nadiskubre nila na ang ibang bahagi ng right prefrontal cortex ng utak ay may mas mataas na aktibidad kapag nagsisikap ang mga kalahok na uminom ng tubig, na nagmumungkahi na ang brain region na ito “overrides” ang swallowing inhibition na nagpapahintulot ng sobrang pag-konsumo ng tubig.

Uminom ayon sa pagkauhaw

Idiniin ni Farrel at ng kanyang grupo na maaaring makapagdulot ng panganib ang labis na pag-inom ng tubig, maaari itong humantong sa hyponatremia, halimbawa, na nagiging abnormal ang pagbaba ng sodium levels ng katawan.

“There have been cases when athletes in marathons were told to load up with water and died, in certain circumstances, because they slavishly followed these recommendations and drank far in excess of need,” saad Farrell.

“If we just do what our body demands us to we’ll probably get it right - just drink according to thirst rather than an elaborate schedule.”

Gayunman, inihayag ng grupo na nananatiling mahalaga ang pag-inom ng tubig sa kalusugan ng tao –tulad sa matatanda – na hindi na nakakainom ng sapat na tubig. (Medical News Today)