up-copy

Naisalba ng defending girls champion National University ang matikas na pakikihamok ng De La Salle-Zobel tungo sa 25-15, 25-22, 20-25, 25-22 desisyon at hilahin ang winning streak sa pitong laban sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University gym.

Hindi rin nagpahuli ang NU boys squad nang itarak ang 22-25, 25-21, 26-24, 25-20 panalo kontra University of the East , gayundin ang 25-19, 25-13, 25-19 dominasyon sa Ateneo.

Bunsod ng panalo, umangat ang Bullpups sa 8-1marka.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Nagwagi naman ang University of Santo Tomas sa girls division kontra UP Integrated School, 25-14, 25-8, 25-9.

Nakabawi naman ang Adamson University sa kabiguang natamo sa kamay ng Far Eastern University-Diliman sa pamamagitan ng 25-13, 25-12, 25-16 panalo sa UPIS para umangat sa patas na 4-4.

Nagposte rin ng dalawang panalo ang Tiger Cubs nitong weekend kontra FEU-Diliman, 25-18, 25-23, 18-25, 25-20 at La Salle-Zobel, 25-18, 25-16, 20-25, 25-18,para maiposte ang ikawalong panalo sa siyam na laro. (Marivic Awitan)