Nagmatigas si Senator Richard “Dick” Gordon sa patuloy na imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings (EJK), kung saan hindi niya pinayagan ang mga testigo ng Commission on Human Rights (CHR) na makapagsalita.

Ito ay dahil daw sa ‘pambabastos’ ni CHR Commissioner Roberto Eugenio Cadiz na una nang nagsabing duwag si Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Nanindigan si Gordon na hangga’t hindi humihingi ng tawad si Cadiz sa kanya at sa Senado ay hindi niya papayagang marinig ang testimonya ng CHR sa imbestigasyon.

Ang paninindigan ni Gordon ay muling nagbukas ng mainit na debate sa pagitan niya at ni Senator Leila de Lima.

Probinsya

₱1.8M halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Bacolod; 2 arestado!

Iginiit ni De Lima na dapat marinig ang panig ng CHR sa pamamagitan ni Chairman Chito Gascon.

Sa gitna ng pahayag ni De Lima, pinatigil ito ni Gordon at sinabing “out of order” si De Lima at hindi nito pwedeng kontrolin ang komite katulad ng ginawa nito noong siya pa ang chairman.

Binasura rin ni Gordon ang mosyon ni De Lima na pagsalitain si Gascon at maging ang mosyon nitong botohan kaya’t pinayuhan nito ang Senadora na buksan ang mosyon sa susunod na pagdinig. (Leonel M. Abasola)