john-copy

HINDI na magtatanghal si John Mayer sa tribute concert para sa yumaong rock icon na si Prince sa Huwebes.

Inihayag ito ng concert promoter na si Randy Levy sa Minneapolis Star Tribute noong Martes na si Mayer ay may “change of schedule” at kinailangang umatras sa concert na gaganapin sa Xcel Energy Center sa St. Paul, Minnesota.

Pero kabilang pa rin sa lineup ang mga performer sina Stevie Wonder, Christina Aguilera, Chaka Khan, Tori Kelly, at ang dating asawa ni Prince na si Mayte Garcia.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang mga kasong isinampa ng gobyerno ng Espanya kay Rizal?

Pumanaw si Prince noong Abril dahil sa aksidenteng overdose sa painkiller sa kanyang Paisley Park recording complex sa Minneapolis suburb ng Chanhassen. (AP)