Hindi ilalagay ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si self-confessed drug trader Jaybee Sebastian sa Witness Protection Program (WPP), kahit idiniin pa ng huli sa ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) si Senator Leila De Lima.

“Ang gusto ko lang kahit ganyan napakaganda sa amin niyan, ‘yang pinahayag ni Jaybee Sebstian ay hindi pa rin siya bibigyan ng whatever immunity kasi hindi niya sinasabi ‘yung buong katotohanan,” ayon kay Aguirre.

Nilinaw din ni Aguirre na hindi naman inalok ng proteksyon si Sebastian nang tumestigo ito sa Kongreso.

Nang mabasa rin umano ni Aguirre ang affidavit ni Sebastian, marami ang hindi totoo, at mayroon namang totoo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“If you are admitted into the witness protection program you must tell the truth, the whole truth and nothing but the truth,” ani Aguirre.

Sa pagdinig ng Kamara kamakailan, sinabi ni Sebastian na umaabot sa P10 milyon ang naibigay niya sa campaign fund ni De Lima.

Ang pahayag ay mahigpit namang pinabulaanan ng Senadora. (Jeffrey G. Damicog)