Puspusan ang pagsusulong ni Senator Manny Pacquiao sa death penalty, kung saan ikinumpara pa ito ng Senador sa pamalo ng kanyang ina na si Dionisia o ‘Mommy D’ noong silang magkakapatid ay mga bata pa.

Sa kanyang pagtayo sa Senate Committee on Justice and Human Rights, sinabi ni Pacquiao na magdadalawang-isip umano ang drug traffickers kung may nakaambang parusang kamatayan.

“Maglagay pa tayo na pangil para kumabaga, nung mga bata pa kami, alam ninyo si Mommy D, kung paano niya kami dinisiplina, mga lalaki kaming magkakapatid eh, matitigas ang ulo namin. Kapag hindi mo sinunod ang utos, palo ka kaagad. ‘Yung mommy ko, sabi niya ‘ito patakaran ko, huwag ninyo gawin, nandito na kayo ng alas-singko ng hapon, ito ang pamalo, ilalagay ko dito’,” kwento ni Pacquiao.

Aniya, namuo ang kanilang takot dahil na rin sa laki ng pamalo ng kanilang ina, kaya’t naging sunod-sunuran sila sa kanilang ina.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Parang death penalty, while we’re helping them, ‘yung mga sumuko, we’re putting rehabilitation centers, eh ito ‘yung kailangan may pamalo din na ipapaktia nila na ito, we have a death penalty in this nation for drug traffickers, coddlers and pushers,” paliwanag ni Pacquiao.

Ang death penalty ay pinag-usapan sa gitna ng iniimbestigahang extrajudicial killings sa Senado. (Leonel M. Abasola)