Bumaba ang bilang ng mga mahihirap na pamilya, base sa survey ng Social Weather Station (SWS) na nakapagtala ng record-low na 42 porsiyento.
Sa isinagawang nationwide survey nitong Setyembre 24-27 kung saan 1,200 ang respondents, 42 porsiyento ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa loob ng nakalipas na tatlong buwan. Bumaba ang bilang kumpara sa 45 porsiyento noong Hunyo.
Kung ilalahad sa bilang, 10.5 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom noong Hunyo, habang 9.4 milyong pamilya naman noong Setyembre.
Ang mga respondents ay pinasagot sa mga tanong na, “Saan po ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito?” Ang showcard ay may nakasulat na hindi mahirap, sa linya, at mahirap.
Sinabi ng SWS na ito na ang pinakamababang self-rated poverty simula noong 1983. Noong March 1987 at March 2010 ay naitala ang 43 porsiyento. (Ellalyn B. De Vera)