ANG haba ng hair ni Bianca Umali na pinag-aagawan pa rin ng magpinsang sina Yuan at Diego, na ginagampanan nina Miguel Tanfelix at Jak Roberto, ang kanyang role na si Grace sa Usapang Real Love.
Kaya nagpatulong na ang dalaga sa netizens para malaman kung sino ang dapat niyang piliin.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, humingi si Bianca ng tulong sa kanyang followers. “Hi Guys! Tulungan nyo naman si Grace. Sino ba dapat nya piliin Team Diego ba or Team Yuan? #URLDreamDate #UsapangRealLove” aniya sa kanyang caption.
Samantala, huwag palampasin ang pagkakataon na maitampok kasama ang inyong favourite Kapuso stars sa TV. Kunan lang ng video ang inyong ganap for today at i-submit ang inyong entry sa Facebook or puwede rin na i-tweet o i-post sa Twitter o Instagram. Saka i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANSin.
Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV. Tutukan ang kilig love stories ng Usapang Real Love (URL) tuwing Linggo ng hapon sa GMA.