WASHINGTON (AP) – Mas tumindi pa ang pag-atake ni Donald Trump sa kanyang mga sariling kapartido noong Martes, at nangakong tuturuan ng leksyon ang mga Republicans na kumakalaban sa kanya. Iginiit din niyang lalaban siya sa panguluhan “the way I want to.”
“ I’m just tired of non-support’’ mula sa mga lider ng partido na kanyang kinakatawan sa presidential ticket, sinabi ni Trump noong Martes ng gabi sa “The O’Reilly Factor” ng Fox News Channel.
Pinakamatindi ang galit niya kay House Speaker Paul Ryan, na sinabihan ang mga Republican noong Lunes na hindi na siya kakampanya para kay Trump apat na linggo bago ang Election Day sa Nobyembre 8.
“I don’t want his support, I don’t care about his support,’’ sabi ni Trump. “I wouldn’t want to be in a foxhole with a lot of these people that I can tell you, including Ryan. By the way, including Ryan, especially Ryan.”
Sa pagkakapilay ng kanyang kampanya at kaunting panahon lamang ang natitira para ito ay patatagin, bumaling ang negosyante sa combative, divisive strategy na nagdala sa kanya sa tagumpay sa GOP primary: Binira niya ang bawat bumatikos sa kanya -- kabilang na ang mga kapwa Republicans. Sinabi ng mga malapit kay Trump na ito ay “open season” sa lahat ng kanyang detractors, anuman ang kanilang partido.
“It is so nice that the shackles have been taken off me and I can now fight for America the way I want to,” tweet ni Trump.
Sa isa pang serye ng tweets, tinawag ng Republican nominee si Ryan na “weak and ineffective,” si Sen. John McCain na “very foul-mouthed” at ang “disloyal” Republicans na “far more difficult than Crooked Hillary.”
“They come at you from all sides,” deklara ni Trump. “They don’t know how to win – I will teach them!”