Tiniyak kahapon ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na magkakampi ang Simbahang Katoliko at si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kabutihan ng mamamayan, lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Pascual, nakikiisa sila sa layunin ng Pangulo na hulihin ang mga drug lord at pusher, pangalanan ang mga konektado sa droga, litisin at ikulong ang mga nagkasala, isailalim sa rehabilitasyon at bigyan ng livelihood training ang mga sugapa upang makapagbagong-buhay.

Kaisa ng hangaring ito ay itinatag ng Archdiocese of Manila, sa pangunguna ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry, katuwang ang local government units, Department of Health (DOH), at iba pang institusyon ng Simbahan, ang programang “Sanlakbay Tungo sa Pagbabago” na naglalayong tulungan na maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga naligaw ng landas. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'