Maaaring dalawin ng publiko ang relic ni Saint Pope John Paul II simula sa Huwebes, Oktubre 13.
Bubuksan sa public veneration ang kanyang first class relic, “ex-sanguine” (mula sa kanyang dugo) simula Oktubre 13 hanggang 22, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng gabi, sa Radio Veritas Chapel na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Veritas Tower, 162 West Avenue corner EDSA sa Quezon City.
Isinilang noong Mayo 18, 1920, sa Wadowice, Poland, inordinahan si Pope John Paul II noong 1946, naging cardinal noong 1967, at noong 1978 ay naging unang non-Italian pope sa loob ng mahigit 400 taon. Naging papa siya sa loob ng 27 taon hanggang 2005, at naglakbay sa 129 bansa.
Dalawang beses siyang bumisita sa Pilipinas – noong Pebrero 1981, nang ideklara niyang banal ang Filipino martyr na si Lorenzo Ruiz, at noong Enero 1995, sa pagtatapos ng World Youth Day.
Pumanaw siya sa edad na 84 sa Vatican noong Abril 2, 2005, ang vigil ng Divine Mercy Sunday. Idinekalara siyang santo noong Abril 27, 2014 (muli ay Divine Mercy Sunday).
Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan sa anibersaryo ng kanyang papal inauguration tuwing Oktubre 22. Siya ang patron saint ng World Youth Day at ng World Meeting of Families. (Leslie Ann G. Aquino)