Nagsimula na ang konstruksyon ng isang bagong 60,709-square meter na parke sa Ocean View Hills sa San Diego, California na ipinangalan sa isang lider ng Filipino-American community at retiradong pulis.

Ang $15.5 million (halos P754 million) Cesar Solis Community Park ay ang una sa San Diego na ipinangalan sa isang Filipino- American.

Lumaki si Solis sa Arey Drive sa south bay community ng San Diego. Isang navy ang kanyang ama. Naging pulis siyang noong 1982, at ang kanyang unang assignment ay magpatrulya sa pamayanan ng Ocean View Hills. Itinalaga din siya sa Patrol Operations, Investigations, at Community Relations at naging commanding officer ng SWAT team, executive officer ng Emergency Negotiations Team, at Chief of Detectives na hawak ang ilang investigative units kabilang na ang: Homicide, Gangs, Robbery, Sex Crimes, Child Abuse, Narcotics, Economic Crimes, Vice, Domestic Violence, Metro Arson Strike Team, Auto Theft, at SDPD Crime Laboratory.

Ginawaran si Solis ng American Legion Medal of Valor at ng Meritorious Service Award. Naging Assistant Chief noong 2008 at nagretiro makalipas ang anim na taon.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Dumalo si Solis sa groundbreaking ceremony ng parke na ginanap nitong Martes ng tanghali.

Ang parke, matatagpuan sa Del Sol Boulevard sa pagitan ng Vista Del Mar Elementary School at Ocean View Hills School, ay magbubukas sa susunod na taon. (Roy C. Mabasa)