CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Isang tao ang nasawi at nasa 10 iba pa ang nasugatan sa pagsabog sa loob ng tindahan ng paputok sa Barangay Binang 1st sa Bocaue, Bulacan, dakong 10:00 ng umaga kahapon.

Sinabi sa may akda ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado, concurrent chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na bineberipika pa niya ang aktuwal na bilang ng mga nasugatan matapos tukuyin ang iniulat ng pulisya na isang tao ang kumpirmadong nasawi sa pagsabog.

Pinagbatayan ang mga ulat, sinabi ni Sy-Alvarado na nasa 10 hanggang 11 ang nasugatan sa insidente.

Sa isa namang panayam sa radyo, sinabi ni Bocaue Mayor Joni Villanueva na nangyari ang pagsabog makaraang magkasunog at mabilis na kumalat ang apoy sa hilera ng mga tindahan ng paputok sa gilid ng isang pangunahing kalsada sa Bocaue.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ayon sa gobernador, agad niyang ipinag-utos ang imbestigasyon sa pinagmulan ng pagsabog.

Inihayag naman ng PDRRMO na nasa apat na sasakyan ang napinsala rin sa nasabing pagsabog. (FRANCO G. REGALA)