Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isa umanong tulak ang tricycle driver na napagkamalan umanong police asset sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa si Luis Garcia, 23, ng Davis Compound, Purok 4, Barangay Alabang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga pulis laban sa suspek na si Arnel Cagaanan, 36, binata, ng Purok 4, Bgy. Alabang Muntinlupa City.

Dakong 9:00 ng umaga, sumulpot ang armadong suspek sa bahay ng biktima at walang awa siyang pinaputukan.

Isang dekada, kailangan para maisaayos educ crisis sa bansa—EDCOM2

Base sa imbestigasyon, kabilang sa drug watch list ng pulisya ang tumakas na suspek. (Bella Gamotea)