Dapat daw na gumamit muna ng megaphone bilang babala ang mga operatiba, bago mag-aresto.
“In conducting arrest, the police should issue a warning by announcing the same through a megaphone,” ayon sa Senate Bill No 1197 o Anti-Extrajudicial Killing of 2016 na inihain ni Senator Leila de Lima.
Nakasaad din sa SB 1197 ang extrajudicial killings bilang “unlawful, and deliberate killing of targeted individuals or groups thereof, carried out by agents of the State and under its order or acquiescence in lieu of arrest, investigation and prosecution.”
Extrajudicial killing din ang tawag sa isinasagawa ng mga indibidwal na pagpatay na kaakibat ng vigilantism, kampanya o panuntunan ng estado.
Sa panukala ni De Lima, ipagbabawal ang warning shot, sa halip ay gagamitan ng megaphone ang babala ng arresting officers.
Obligado namang mag-imbestiga ang Commission on Human Rights (CHR) sa extrajudicial killings, may pormal na reklamo man o wala. (Leonel M. Abasola)