TALISAY, Batangas - Kinumpirma ng mga awtoridad na kalansay ng tao ang natagpuang nakalutang sa tabi ng Taal Lake na sakop ng Talisay, Batangas.

Ayon sa naantalang report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ang kalansay dakong 7:00 ng gabi nitong Lunes sa tabi ng lawa sa Barangay Quiling.

Kinumpirma naman ng Talisay Municipal Health Office na kalansay ng tao ang nadiskubre, at sinusuri na ngayon ng Scene of the Crime Operations (SOCO). (Lyka Manalo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder