YANGON (AFP) – Labindalawang katao ang namatay sa estado ng Rakhine ng Myanmar sa huling sagupaan kamakailan sa pagitan ng mga armadong kalalakihan at ng mga tropa ng pamahalaan, iniulat ng state media kahapon.

Apat na sundalo at isang attacker ang namatay noong Martes nang sumugod ang daan-daang kalalakihan na armado ng baril at espada sa mga tropa sa Pyaungpit, isang pamayanan malapit sa bayan ng Maungdaw.

Pitong bangkay pa ang natagpuan ng mga sundalo matapos ang mga labanan sa katabing pamayanan ng Taung Paing Nyar.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline