kris_priority-copy-copy

INAMIN ni Kris Aquino, sa event ng Ariel na iniendorso niya last Tuesday, na kasalanan niya kung bakit siya umalis ng ABS-CBN.

“It was my fault,” simulang pahayag ni Kris, “I could still be there now. I was stupid but none of you knew that it was the time of the Abu Sayyaf threat. There were also health issues. Siguro that time, akala ko pagbalik ko may space pa. I overestimated my worth.”

Ang binabanggit ni Kris na threat ay inamin niya sa atin, ‘di ba, Bossing DMB pero ayaw niyang ipasulat para tuluy-tuloy lang ang tapings niya para sa last few weeks ng KrisTV bago siya lumipad patungong Hawaii.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngayon na lang din namin isusulat na habang nagti-taping siya sa Tagaytay City noon ay hindi lang marshalls (ABS-CBN security) at PSG (Presidential Security Guards) ang bantay niya kundi may mga SWAT na rin na nakapalibot sa buong venue.

Kaya tiyak na nakaka-stress na ang sitwasyon lalo na sa parte na rin marahil ng mga taga-KrisTV habang napapalibutan sila ng mga security ni Kris.

Samantala, nalaman namin sa isang ABS-CBN insider na noong nakipag-meeting si Kris sa management pagbalik niya galing bakasyon ay may magandang offer na travel show sa kanya at ka tie-up pa ang Choose Philippines na isang movement at website para sa promo ng magagandang destinasyon sa bansa.

Pero mukhang may ibang gusto ang Queen of All Media kaya nagtanong siya sa management kung ano pa ang ibang plano sa kanya bukod sa travel show.

Ayon sa insider, nang mga panahong iyon ay wala kaagad nai-present kay Kris ang ABS-CBN management, kaya nag-set ulit ng another meeting para mag-pitch pero tila nainip ang TV host kaya nagpa-set na siya ng meeting kay Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment.

“Hindi naman kaagad nakapag-pitch kay Kris at that time kasi marami rin namang ginagawa ang mga tao, maraming shows to be launched, maraming ganap sa ABS, hindi nakapaghintay si Kris,” sabi ng insider.

“And from what I heard, gusto ni Kris ng digital online show, meaning kung puwedeng kanya ang show, parang hindi yata nakapag-usap tungkol doon or baka hindi pumayag ang ABS-CBN.”

Medyo naguluhan kami, Bossing DMB, ibig sabihin kapag sinabing gusto ni Kris na kanya ang show, magiging producer at blocktimer siya?

Sa pagkakaintindi namin, hindi na pumapayag ang ABS-CBN na may blocktimer sila, tama ba, Bossing DMB? (Yup! –DMB)

Anyway, inamin din ni Kris sa naturang event na nami-miss na niya ang Kapamilya Network.

“I miss them. I miss the work. I miss what I knew. I miss the daily conversations. I miss the 12 midnight text telling me na ito ’yung nabago sa schedule. I miss my cameramen. We were like a family. This is also like an annulment,” saad niya.

Pero dahil hindi pa naman siya nakakapagsimulang magtrabaho sa GMA kung saan konektado si Mr. Tony Tuviera, posible pang makabalik ng ABS-CBN si Kris. Tutal, sabi naman niya, wala siyang kontrata sa alinmang TV network.

“So if it’s God’s will, it might happen, and I would be the happiest person. But if it’s also God’s will that GMA will welcome me, it’d be great. If CNN, sasabihin nila na part of the package is I get to meet Anthony Bourdain, I’m very excited right now,” pahayag ng Queen of All Media.

Samantala, nabanggit din ni Kris na isa sa mga araw na ito ay makikilala na ni Bimby ang kapatid nito sa amang si James Yap, si Michael James.

Sagot ni Kris nang tanungin kung alam na ba ni Bimby ang tungkol sa kapatid niya, “Thank you, Lord, okay siya, okay si Bimb. He’s in a good place kasi I’ve been discussing it with him and say that, ‘please tell me when you’re ready (makita ang baby) kasi let’s make the call. Let’s be the one to call them and say, I want to meet my brother’ and then Bimb said, ‘Okay Mama, I’ll tell you when’.”

At least naklaro ang intrigang ayaw raw ipakita ni Kris kuning-kuning si Bimby sa tatay niya. (REGGEE BONOAN)