MARAMI ang gustong mag-interview kay Agot Isidro matapos siyang magpahayag ng sarili niyang opinion tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte, na “patingin ka, hindi ka bipolar. You are a psychopath.”
Nag-post nito si Agot nang marinig ang mga pahayag ng pangulo na mas pipiliin pa niyang mamatay sa gutom kaysa tumanggap ng tulong o aid mula sa superpowers na nais makialam sa kanyang giyera laban sa illegal drugs.
Nag-react si Agot na wala namang umaaway dito, sa halip ay siya ang nang-aaway. Feeling daw ni President Duterte ay superpower ang Pilipinas. Ayaw daw niyang magutom. May mga bumabatikos pero may mga kumakampi rin kay Agot.
Katunayan, maging si Pangulong Duterte ay nagpahayag ng ganito:
“I leave her to her constitutional right to free expression. She should enjoy that.”
Pero kahit idinaan na namin ang request for interview sa kanyang manager ay hindi pa rin pumayag si Agot.
Para siguro ma-address ang napakaraming request for interview, pati na ang international media, nag-post nito si Agot sa kanyang Facebook account:
“Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.”
May mga nagagalit kay Agot na idinamay na rin pati si Vice-President Leni Robredo. Pero makikita sa social media na dumarami ang kumakampi kay Agot.