Pinakakasuhan ni Interior and Local Government (DILG) Ismael “Mike” Sueno sa pulisya ang isang grupo na umano’y nag-aalok ng posisyon na officer-in-charge (OIC) barangay captain kapalit ang P50,000 cash.

Tinukoy ni Sueno ang National Interfaith Council of the Philippines (NICOPHIL) na grupo na umano’y gumagamit ng pangalan ng DILG para hikayatin ang gustong maging OIC barangay captain na magsumite ng kanilang resume.

“Do not be deceived by any group or individual that is using the name of the DILG to give false hopes about being OICs in the barangays,” ani Sueno.

Sinasamantala ng grupo ang naging suhestyon ng DILG na magtatalaga ng mga OIC-barangay captain sakaling matuloy ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong Oktubre 31. (Jun Fabon)
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'