BOGOTA, Colombia (AP) – Nagtayo ng multicolored, makeshift tent city sa main square ng Bogota ang libu-libong Colombian upang hilingin sa gobyerno na sagipin ang peace deal na naglalayong wakasan ang kalahating siglo ng digmaan.

Sinabi ng organizers ng tinatawag na “Peace Camp” na hangad nilang matiyak na hindi masasayang ang kasunduan na nilagdaan nitong nakaraang buwan ng gobyerno at ng mga rebelde.

Itinayo ang unang dalawang tent noong Oktubre 5 nang dumagsa ang tinatayang 25,000 katao sa mga lansangan ng Bogota para suportahan ang ibinasurang kasunduan. Sa loob lamang ng isang linggo, umabot na sa 70 tent ang nakatayo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina