BEIJING (Reuters) – Humingi ng paumanhin ang isang Chinese television station sa pagpapakita ng mapa na hindi isinama ang Taiwan bilang bahagi ng China, isang isyu na pinakamaselan ang Beijing.
Itinuturing ng China na bahagi ng teritoryo nito ang Taiwan. Tumakas patungo sa isla ng Taiwan ang mga natalong puwersa ng Nationalist sa pagtatapos ng civil noong 1949.
Ang lahat ng mapa na inilathala sa China ay kailangang isama ang Taiwan bilang isa sa mga lalawigan ng bansa.
Ngunit sa talent show para sa mga banyaga na nag-aaral ng Chinese sa Hunan Television noong Linggo, ang kinulayan lamang ng pula sa ipinakitang mapa ay ang China, at iniwang puti ang Taiwan.
“We feel a deep sense of dereliction of duty at the ‘problem map’ incident and feel deeply pained,” nakasaad sa bahagi ng paghingi ng paumanhin ng Hunan TV noong Martes.