john-lloyd-at-charo-copy

MALIBAN sa pangkahalatang komento na mahaba ang pelikulang Ang Babaeng Humayo, halos apat na oras kaya katumbas ng dalawang pelikula, nagkakaisa ang lahat sa napakahusay na pagganap ni Charo Santos-Concio bilang babaeng nakulong ng 30 taon sa salang hindi niya ginawa.

Ito ang gawin ninyong motibo para hindi mainip kung lumalaylay ang eksena.

Saludo kami sa lalim ng emosyong ibinuhos ni Charo. Hinayaan niyang lamunin siya ng karakter ni Horacia. Samahan ninyo siya sa kanyang pagninilay at pagpaplano para makapaghiganti sa taong nagpakana sa pagkakakulong niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Comeback movie ito ni Charo at kamangha-mangha na wala man lamang palatandaan na kinalawang siya sa pagganap.

Sa kabilang banda, mahirap ang role na ipinagkatiwala kay John Lloyd Cruz. Wala kang itulak-kabigin kung sino ang mas magaling sa kanilang dalawa. Mayroon pa bang bibigat sa role ng isang transgender na may sakit pang epilepsy? JLC succeeded na bigyang-buhay ang role na ayon sa reports mula sa Venice Film Festival jurors ay umani ng standing ovation.

Kakaunti lang kami sa loob ng sinehan sa Gateway sa second week of showing ng Babaeng Humayo at naisip namin na kung ikakalat nila na maganda at kapuri-puri ang pelikula ay magkakaroon ng interes ang marami upang ito ay panoorin.

Isa pang strategy na puwedeng gawin ng Star Cinema ay ang pagdaraos ng television premiere ng bagong obra ni Lav Diaz sa Cinema One sa lalong madaling panahon. Christmas treat, ‘ika nga. (REMY UMEREZ)