ria-at-sylvia-copy

HALOS mabingi-bingi kami habang kausap namin sa kabilang linya ang napakasayang anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde nang ibalita namin na nominado siya bilang best new female personality sa 30th PMPC Star Awards for TV para sa pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya na may titulong “Puno ng Mangga”.

“Really, tita? Am I?” paulit-ulit na tanong ng dalaga.

Binanggit namin na nominado rin ang kanyang Kuya Arjo at Mama Sylvia sa kategoryang best supporting actor at best supporting actress.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Wow! Nakakanerbiyos, tita, kasi I’m sure magagaling ‘yung mga makakalaban ko. Pero I’m happy kasi ma-nominate ka lang is an award na for me, bonus na kapag nanalo ako. Grabe, tita, I’m so happy!” masayang sabi ni Ria.

May ibinalita rin sa amin ang baguhang aktres.

“Tita, I just want to let you know that I’m part na of Star Magic family, I’m so happy po talaga. Kaya I’m going to attend daw the Star Magic Ball on the 22nd of this month and I don’t have a date, ha-ha-ha. Maybe Arjo will be my escort na lang.”

Ang schoolmate niya sa Poveda noong high school na si Rosenthal Tee, na kilalang designer na ngayon, ang gagawa ng gown ni Ria.

“She was a senior when I was a freshman in Poveda. ‘Tapos nag-aral s’ya sa Ateneo. Then took up masters in fashion in Istituto Marangoni in London. Also have lots of certificates from other schools in London: London College of Fashion and Central St. Martins College of Art and Design. She did New York Fashion Week last year and just last month,” kuwento ni Ria.

Sa New York naka-base si Rosenthal kaya doon pa manggagaling ang gown na isusuot ni Ria, paano kung hindi fit o hindi niya gusto ang disenyo?

“No, eh. Parang she was invited?” sabi ng dalaga.

At kung sakaling hindi nga mag-fit ang gown na gawa ng schoolmate niya, naririyan naman ang family friend nila na si Frankie de Leon, ang gumawa ng isinuot niya noong debut niya na Breakfast at Tiffany’s ang motif.

Samantala, kung masaya si Ria sa nominasyon niya ay mas masaya siya para sa kanyang Kuya Arjo at Mama Ibyang na base rin naman sa accomplishments ay deserving manalo.

Any projects soon?

“Well, sabi po nila, magkakaroon daw pa ko ng teleserye. Hindi pa po binabanggit ang details, tita. Hindi naman po ako nagmamadali, steady lang ako. While I’m not doing anything pa, continue lang ako sa workout ko,” saad ng dalaga.

(REGGEE BONOAN)