Kasangga ng United Nations ang Pilipinas sa pagpoprotekta sa karapatang pantao at paglaban sa terorismo.
Ito ang binigyang-diin ni Ambassador Lourdes Yparraguirre, Permanent Representative of the Philippines to the UN, sa Sixth Committee (Legal) ng UN General Assembly sa Washington noong Lunes.
“On ensuring respect for human rights and the rule of law as the fundamental basis in fighting terrorism, the Philippines finalized earlier this year its Philippine National Counter Terrorism Strategy which is a product of a series of inter-agency workshops/write-shops and built upon four work streams, namely, Prevent, Protect, Prepare and Respond with the ‘whole-of-nation’ and ‘rule of law-based’ approaches as guiding principles,” sabi ni Yparraguirre.
Binuod din ng ambassador ang matagal nang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa counterterrorism ng pandaigdigang organisasyon kabilang ang UN Center for Counterterrorism (UNCCT) on the Advance Passenger Information (API) at Passenger Name Record (PNR) system, na pinagpulungan pa ng Anti-Terrorism Council. Layunin nitong matugunan ang “Foreign Terrorist/Jihadist Fighters Phenomenon” (o pagbiyahe ng mga banyaga patungong Iraq o Syria para lumaban kasama ang daesh o Islamic State).
Nakapangako rin ang Pilipinas sa UN Office on Drugs and Crime (UNODC) sa pagpapatibay ng National Frameworks for the Protection and Support for Victims of Terrorism Within the Criminal Justice Framework, UN Inter-Regional Criminal and Justice Research Institute (UNICRI) on Biological Materials of Concern Write-Shop, at sa Global Initiative on Combating Nuclear Terrorism (GICNT). (BELLA GAMOTEA)