Tuluyang nalagutan ng hininga ang isang tricycle driver matapos niyang ilagay sa alanganin ang buhay ng mga pulis na sumita sa kanya sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet at walang plaka sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Mario Rupillo II, 28, ng 1394 S. H. Loyola Street, Sampaloc, Maynila, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bago ang engkuwentro ay nagsasagawa ng anti-criminality campaign sa Gate 14 ng Delbros Parola Compound sa Tondo ang mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP), sa pangunguna ni Police Insp. William Lopez, dakong 12:20 ng madaling araw, nang mapuna nila ang suspek na lulan sa motorsiklo na walang plaka at wala pang helmet.

Dahil dito, sinita ng mga pulis ang suspek ngunit sa halip na huminto ay bumunot pa umano ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Dito napilitan si PO1 Marcelino Pedrozo III na paputukan ang suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

(Mary Ann Santiago)