Isa ang Pilipinas sa anim na bansa kung saan ipatutupad ang sinusuportahang programa ng European Union na tinatawag na Partnership for Building Capacities in Humanitarian Action (PEACH).

Inilunsad ito kamakailan ng National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines, ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para palakasin ang kakayahan ng Simbahang Katoliko sa pagtugon sa mga kalamidad sa 11 diocese sa Luzon at Visayas.

“This is a welcome development in the humanitarian work we are doing together with the social action network of the different dioceses all over the Philippines,” sabi ni NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez sa isang pahayag.

Ipatutupad ang PEACH hanggang sa Marso 2018. Katuwang sa programa ang Caritas Austria, Caritas Romania, Caritas Czechoslovakia at regional office ng Caritas Asia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinatutupad din ng NASSA/Caritas Philippines ang climate change adaptation program na tinatawag na FARM-FIRST sa walong lalawigan upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makaagapay sa pagbabago ng panahon at matiyak ang seguridad sa pagkain at pangangalaga sa kapaligiran.

Bukod sa Pilipinas, ipatutupad din ang programa sa India, Pakistan, Bangladesh, Myanmar at Nepal.

(Leslie Ann G. Aquino)