Sa ikalawang sunod na season, tinanghal na Most Valuable Player ng NCAA seniors basketball si Nigerian Allwell Oraeme.

Naisalansan ng Mapua Cardinals slotman, isa sa foreign student na nagdodomina sa collegiate league sa bansa, ang kabuuang 65.12 iskor sa players all-around value (PAV) para gapiin ang Arellano star na si Jiovani Jalalon na nakakuha ng 57.50 PAV para sa labanan sa pinakamataas na individual honor sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Tanging si Jalalon ang local-breed player na kabilang sa Mythical Five. Kasama niya sina Oraeme, Donald Tankoua ng San Beda, at Hamadou Laminou ng Emilio Aguinaldo College.

Napantayan ni Oraeme, nangunguna sa opensa ng Cardinals, ang record ni Rommel Adducul ng San Sebastian (1996-97) bilang tanging player na nagwagi ng back-to-back MVP sa kasaysayan ng NCAA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakamit din ni Oraeme ang ‘Defensive Player of the Year’ award, habang si Mike Nzeusseu ng Lyceum ang tinanghal na Rookie of the Year.

Nakopo naman ni Tankoua ang Most Improved Player award, sa kabila ng paglalaro lamang sa 11 laro sa elimination bunsod ng injury.

Naitala ng Nigerian center ang averaged 15.8 puntos, 19.8 rebound at 2.3 block para maitala ang MVP and Defensive Player of the Year honor sa ikalawang sunod na season.

Sa elimination round, nanguna si Jalalon na may average of 21.4 puntios bukod sa 7.4 assist (league-leader) at 5.8 rebound para sa Chiefs.