Oktubre 12, 2007 nang matanggap ni dating United States (US) Vice President Al Gore, at ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change, ang Nobel Peace Prize sa pagpapaangat ng kamuwangan tungkol sa climate change.
Si Gore, nagsilbing US vice president mula 1993 hanggang 2001, ang isa mga unang pulitiko na nakatuklas na ang carbon dioxide ay maaaring maging sanhi ng global warming. Siya ang nangunguna sa mga hearing kaugnay sa climate change noong 1970s, habang ang karamihan sa mga American ay hindi pa ganoong pamilyar sa nasabing isyu.
Taong 2006, tampok si Gore sa Academy Award-winning documentary film na “An Inconvenient Truth,” na layuning iangat ang kamuwangan ng buong mundo tungkol sa global warming. Sa nabanggit na pelikula, ipinaliwanag ni Gore ang mga katotohanan at sabi-sabi sa nasabing isyu, at inilarawan kung paano siya naging environmental warrior.
Ngunit isang judge sa United Kingdom ang bumatikos sa pelikula dahil umano sa “inaccuracies”.