“It will not improve. I think it will further worsen.” Ganito ang posibleng mangyari sa relasyon ng Simbahang Katoliko at ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles.

“It will not improve because that is his character. I believe he will make true of his threat before, that he will expose the anomalies involving priests and bishops which is only right,” dagdag pa nito.

Samantala hindi naman umano masisisi ang Pangulo sa inuugali nito sa simbahan dahil sa mga kritisismong ibinabato rin sa kanya.

Kung uumpisahan naman umano ng Pangulo na magbunyag hinggil sa Simbahang Katoliko, sinabi ni Arguelles na hindi naman ito makakasira.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“I’m not afraid. I expect that. I expect the worst. There is also a need to purify the Church,” ayon kay Arguelles.

Ganito rin ang pakiramdam ni retired Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz.

Sa patuloy na pagbatikos ng Simbahang Katoliko sa Pangulo, asahan na umano ang malala at malayong relasyon ng dalawa.

(Leslie Ann G. Aquino)