ISA sa mga dinumog ng reporters sa FPJ’s Ang Probinsiyano concert si Maja Salvador. Siyempre, gustong malaman ng lahat kung ano ang totoo sa closeness nila ni John Lloyd Cruz simula nang maging viral ang mga larawan nila na laging magkasama.
Pero agad nilinaw ni Maja na wala namang dapat pag-usapan tungkol sa kanila ni Lloydie. Hindi na raw dapat palakihin ang isyu dahil walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila.
‘”Yung tungkol sa photos na ‘yun? Ano ba ‘yun? Nakaupo lang kami sa yate, ano naman ‘yun? Mabuti sana kung may ginawa kami na kagaya ng mga ginagawa ng mga magkarelasyon,” sagot ng aktres nang interbyuhin.
Hindi naman daw porke’t may picture silang magkasama ay may isyu na kagaad na dapat nilang sagutin.
“Ano ba naman ‘yun? ‘Buti sana kung nagki-kiss kami or what,” napapangiti pang sabi ng Star Magic talent.
Kahit napalaki raw ng iba ang isyu tungkol sa kanila ni John Lloyd, hindi ‘yun makakaapekto sa pagkakaibigan nila.
“Hindi naman siguro porke may mga issues na ganyan sa aming dalawa, eh, iiwasan na rin naming lumabas together. Hindi naman date ‘yun. Minsan nga lumalabas kaming dalawa pero wala talagang malisya,” lahad pa ng magaling na aktres.
Sa isang panayam naman kay Lloydie, binanggit nito na medyo nakornihan daw siya sa pag-uugnay sa kanilang dalawa ni Maja. Para sa actor, malapit na magkaibigan lang sila ng aktres.
“Ako naman, eh, nababaduyan,” sabi ni Maja. “Pero wala rin naman kaming magagawa kasi pareho kaming nasa showbiz.
Kumbaga, magkalapit lang kami ng konti, eh, tiyak na malalagyan agad ng malisya,” sey niya.
Kuwento pa ng dalaga, marami pa rin ang hindi nakakaalam kung gaano sila ka-close ni Lloydie.
“Sobrang lalim ng friendship namin, same handler kami kaya ganu’n,” banggit pa niya.
Kaya hindi raw sumagi sa isipan niya na may ligawang magaganap sa kanilang dalawa.
Samantala, inamin niya na pinagbabawalan siya pero hindi ang pakikipaglapit kay John Lloyd kundi ang pagtawag niya rito ng “Itay” na noon pa ay nakasanayan na niya.
“Para kasing nagkakaroon ng limitation ‘pag nagtatawagan kami ng ‘Baby Girl’ at ‘Itay’. Kaya the management, nag-meeting, nasabi. Para magkaroon naman ng chance na magkatrabaho in the future,” sey pa ng aktres. (JIMI ESCALA)